Ang pag-alaala kay Dr. Jose Rizal
Ang buhay ni Dr. Jose Rizal ay naging makabuluhan hanggang sa kanyang mga huling yugto sa kanyang buhay. Masaya sa pakiramdam ang mabigyan ng pagkakataon na muling sariwain, alamin at bigyang pansin ang mga bagay na kanyang mga ginawa, mga lugar na kanyang pinaglagian at pinuntahan, at ang mga lugar na kung saan ay parati natin siyang maaalala. Ang mga lugar na ito ang aming pinuntahan at inusisa.
Luneta
Ang bantayog ni Dr. Jose Rizal |
Fort Santiago
Pasukan ng Fort Santiago |
Ang intramuros ay tinaguriang "walled city" at ang orihinal na manila na sentro ng pamumuno ng kastila. Sa intramuros ay matatagpuan mo ang Fort santiago na itinayo noong 1590 at natapos ng taong 1593 sa pamumuno ni gomez perez dasmariñas gamit ang matitigas na bato, karugtong ng pader ng Intramuros. Sa pasukan ng Fort Santiago ay makikita agad ang ganda ng lugar.
Dito ang una naming pinuntahan sa intramuros ngunit medyo natagalan din kami sa paghahanap sapagkat nagkakamali kami sa aming mga nililikuan. Makikita mo dito ang magandang tanawin, malinis na paligid, at maayos na pamamahala ng mga nangangasiwa ng lugar.
Ang piitin ni Rizal sa Fort Santiago |
Makikita dito ang isang replica ni Dr. Jose Rizal habang siya ay nasa loob ng kanyang kulungan at dito mo rin makikita ang simula ng marka ng kanyang mga hakbang patungo sa bagumbayan.
Mga metal na yapak ni Dr. Jose Rizal |
Isa ito sa mga nakakamanghang tignan sa paligid sapagkat maaari mong maisalarawan sa iyong isipan ang mga pangyayari na naganap habang papunta pa lamang siya bagumbayan.
Ateneo Municipal de Manila
Ang marka ng ateneo municipal de manila |
Ito ang lugar na unang pinagkakatayuan ng ateneo municipal de manila. Pinatayo noong 1817 sa pangalan na escuela pia de manila, pinamunuan ng pamahalaan noong 1831 sa pangalan na escuela municipal de manila, at binigay sa pamamahala ng heswita noong 1901 sa pangalan na ateneo de manila.
Ang bagong gusaling nakatayo sa dating ateneo |
Ito ang sunod naming pinuntahan sa loob ng intramuros. Madali namin itong nahanap sa tulong ng mga gwardiya sibil. Dito nagtapos si Dr. Jose Rizal ng batsilor de artes na may grado ng sobresaliente noong 1877. Nasunog noong 1932 at ngayon ay kinatatayuan na ng isang bagong imprastraktura.
Unibersidad ng Sto. Tomas
Dito dating nakatayo ang unibersidad ng Sto. Tomas kung saan siya nag-aral ng medisina noong 1877 hanggang 1882 na hindi na niya natapos pa dahil sa kanyang sigalot sa mga may katungkulan.
Ang bagong gusali na pinagkakatayuan ng dating Sto. Tomas |
Ito ang bagong imprastrakturang nakatayo sa dating unibersidad ng Sto. Tomas. Dito kami sunod na pumunta pagkatapos namin sa ateneo at madali namin itong nahanap sa tulong ng gwardiya sibil na aming pinagtanungan.
Cuartel de España
Ang cuartel de españa |
Ito ang cuartel de españa na lugar kung saan nilitis si Dr. Jose Rizal noong disyembre 26, 1896. Ito ay isa sa mga naging base ng kastila na nasira nang inatake ng mga hapones noong WW-II.
Ito ang isa sa mga nahirapan kami sa paghahanap sapagkat iba iba ang mga direksyon na aming nakukuha, ang una ay dun malapit sa simbahan, ang sumunod ay dun sa may katabi ng light and sound, dun sa gilid ng PLM, sa harap ng PLM, pero nung bumalik kami sa may katabi ng light and sound na ang alam namin ay dun talaga subalit iba lang pala ang nakalagay sa "marker".
Kwarto ng pinaglitisan ni rizal
Ito ang labas na replica ng kwarto kung saan nilitis si rizal noong disyembre 26, 1896 na makikita sa loob ng rizal shrine museum sa loob ng Fort Santiago.
|
Isang iskultor ni Rizal |
Self Portrait ni Rizal |
Ito ang mga bagay na aming nakita at napagmasdan sa loob ng pambansang museo. Mga obra at mga gawa patungkol kay rizal.
Isang pa sa iskultor na gawa kay Rizal |
Isa sa unang self portrait ni Rizal |
Gallery V |
Paco Cemetery
Tahanan ni Higino Francisco
Mga aral sa paglalakbay
Marami ang mga aral na aming napulot at nadala sa aming pag-uwi. Pinaghandaan namin ang araw na ito bilang hamon na mahanap ang bawat lugar at hindi bilang isang nakakapagod na paglalakbay. Nais naming mapuntahan ang bawat exhibit kung saan mas marami kaming makikita, mababasa at matutunan. Maganda ang Fort Santiago subalit marami na rin talaga ang kailangang ayusin tulad na lang nang mga metal na yapak na sira na at mga kulang kulang pa. masarap talagang pagmasdan ang lugar na nagpapaalala ng ganda ng pilipinas noon, ang ganda ng lugar na iyon noon habang ang ilog pasig ay ang pinakamahalagang pangkalakalang daanan. nakakatuwa ang mga pedicab drayber sapagkat di sila nauubusan ng masasabi sa amin na mga kasaysayan at maiisip mo na parang buhay ang mga pangyayaring ito. nakakaasar talaga ang torre ng manila na nakakaharang sa bantayog ni Rizal at nakakabawas ng ganda ng tanawin. napakahalaga ng mga bagay na ito para sa atin sapagkat nakakapagbigay inspirasyon ang bantayog na laging nagpapaalala sa atin na ang kabataan pa rin ang pag-asa ng bayan para sa pangkalahatang kaunlaran.
Ang bawat lugar na aming pinuntahan ay napakahalaga dahil kahit papaano ay nakita namin ang mga makasaysayang pook na ito. ang mga bagay at obra na aming nakita sa pambansang museo, ang mismong pook ng una niyang pinagkakalibingan, at ang lugar kung saan nilipat ang kanyang mga labi at itinago ang kanyang akdang noli. Itong mga lugar na ito ang magpapanatili sa atin na si Dr. Jose Rizal at ang isa sa nagtulak sa ating mga pilipino na ipaglaban ang ating karapatan.
No comments:
Post a Comment